1.5M ratings
277k ratings

See, that’s what the app is perfect for.

Sounds perfect Wahhhh, I don’t wanna

Natatakot akong hindi tanggapin ng ibang tao

‘Yung may ideya ka

'Yung may ginawa ka

'Yung may nasabi ka


Isang araw

Magagawa ko ding

Makalaya sa

Aninong

Bumabalot

Sa aking isipan


Isang araw

Sobrang daming

'Di pagtanggap

Ang aking mararanasan

At di ko na

Magagawa

O maiisipang

Matakot pa

Dahil bakit pa?

Talagang ganito

Ang buhay

'Di ako

Perpekto

Upang ako'y

Patuluyin lamang

Ng ibang tao

Sa tahanan

Ng kanilang

Mga isipan

Nang basta-basta

Kailangan ko

Ring ipakita

Na ako'y

Karapat-dapat sa

Kanilang magandag

Kalooban


At hindi ba,

Lahat ng tao'y

Nakakaranas ng

Ganitong pakiramdam?

Kaya hindi ka

Talaga naiiba

Sa kanila


Magagawa mo ding

Tapatan ng

Liwanag

Ang iyong

Madilim na isip


Sadyang mahirap

Mahaba pa ang

Iyong lalandasin

Pero hinding-hindi

Ka magsisisi

Sa madadatnan mo

Sa hulihan ng

Paikot-ikot na

Lansangan

Na kung tawagi'y

Buhay

akin lit dama lungkot